Kahapon ay bumisita ako sa Philippine TV Ratings fanpage sa FB. Naka-post doon ang announcement na hindi daw ipapalabas sa darating na Lunes (August 29) ang koreanovelang Big Thing para bigyang-daan ang pilot episode ng telefantasyang Iglot na mapapanood pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.
Nakakalungkot isipin na marami sa mga nag-comment na kesyo korni daw at baduy pa raw ang Iglot at mas gusto nila yung Big Thing. Pero ano naman ang magagawa nila eh desisyon na po yun ng network na hindi muna ipalabas ang nasabing koreanovela?!?
Masakit po sa akin na may ilan sa mga fans ng PTVR na nag-comment ng hindi maganda sa Iglot at puro papuri naman ang mga comment nila sa Big Thing.
Ano naman ang gusto ng mga Big Thing fans ang hindi ipalabas sa GMA Telebabad sa Lunes? Ang Amaya? Ang Munting Heredera? HINDI PWEDE YUN DAHIL PAREHONG TOP-RATER ANG DALAWANG SHOW NA YUN ESPECIALLY MUNTING HEREDERA!!!!
Dahil ba sa sobrang nahumaling sa nasabing koreanovela eh tutulugan nyo na lang ang Iglot, Amaya, Munting Heredera at Time Of My Life at gigising na lang kayo pag Big Thing na?
HINDI NA YAN TAMA!!!!!
Sorry na lang po sa mga koreanovela fans dahil kahit kailan ay hindi po ako certified fan ng mga koreanovelas. Mas gusto ko pang manood ng mga shows na gawa dito sa ‘Pinas pero gawang GMA 7 like Amaya and Munting Heredera!!!