ANG DAMING KALOKOHAN 2


Ang Daming Kalokohan!!!!

This is my own personal blog. Period.

WELCOME SA INYONG LAHAT!!!!


WELCOME SA AKING FANPAGE!!!

Dito, pwedeng i-post ang lahat ng kalokohan ko, mapa-FB man o kahit saan!!!!




LATEST UPDATES ABOUT ME

“One way. Two way. There’s no other way… NORWAY!” “Ola viola kaserola tinola saranggola arinola ni lola… VENEZUELA!” “Pik pak pa¬lakpak. PekPhek mong may pakpak… PAKISTAN!” “Tyinani mo. Tyinani ko. May SARS na, may melanin pa… CHINA!” “Liwayway laway, pepay mong naglalaway… HAWAII!” “Beep beep beep, may chumichipchip sa jeep… EGYPT!” “Mula sa lupaing kulang sa bigas, mataas ang gas, sandamakmak ang mandurugas… PILIPINAS!”

INTRODUCTION

WELCOME TO THE WORLD OF MY KALOKOHAN!!!

AKO YUN

Thursday, October 6, 2011

PAALAM KAPID, ANG KAMBAL AHAS NI AMAYA

Sariwain natin ang paglisan ni Kapid sa huling pagkakataon...

AMAYA:Kapid?

KAPID: Ako nga Amaya.

AMAYA: Ngunit hindi ko alam na nagiging tao ka rin.

KAPID: Ako ay isang umalagad Amaya. Ako ay isang ninunong nauna pa sa iyo, kaya may kakayahan ako na gumawa ng pambihirang bagay.

AMAYA: Kung gayon ay bakit ngayon ka lamang nagpakita sa akin nang ganyan ang iyong kaanyuan?

KAPID: 'Pagkat sa pamamagitan nito, ako ay mamamaalam.

AMAYA: Mamamaalam?

KAPID: Oo Amaya.
Natupad mo na ang iyong tagna Amaya, napaslang mo na si Mangubat kaya ang aking paggabay sa'yo ay magwawakas na rin.

AMAYA: Kung ganun, sasama na lang ako sa'yo.
Napatay ko na si Mangubat, natupad ko na ang aking tagna.
Kinamumuhian ako ng lahat ng tao dito sa aming puod.
Wala ng dahilan upang mabuhay pa'ko.
Kaya Kapid isama mo na ako.

KAPID: Amaya, naging kasangkapan ka lamang upang si Mangubat ay mawala.
Gayunman, upang ang kanyang mga lumang panunungkulan ay may mabuong bago, hindi sa pamamagitan ni Angaway kung hindi sa pamamagitan mo.
Ikaw ang bubuo nito Amaya. Ang tagnang iyong nasimulan ay patungo sa magandang bukas na bubuuin mo Amaya.
Kaya't hindi pa nararapat upang ikaw ay sumama sa akin sa Saad.


AMAYA: Magandang bukas?
Kung may magandang bukas para sa akin, dapat ay nariyan ka upang ako'y gabayan.

KAPID: Ang bukas na ito ay para sa iyo Amaya. Hindi mo ako kailangan 'pagkat ikaw ang magtatakda nito.
Hangga't ako ay narito sa tabi mo hinding-hindi ka matututo. Kailangan kong umalis para ikaw ay tumibay at mabuo.

AMAYA: Kapid 'wag mo akong lisanin.

KAPID: Huwag ka ng umiyak Amaya, 'pagkat ang aking pag-alis ay mabuting dulot sa iyo.
At sa aking paglisan ang mga tunay na kapanalig ay magigisnan mo. Kaya paalam Amaya.

AMAYA: Kapid...

KAPID: Paalam aking kakambal...

AMAYA: Kapiiiiid!!!
At muling nagising si Amaya...


 
Si Kapid, ang kambal ahas ni Amaya

No comments:

Post a Comment

Search My Blog